Kaninang 9:30 ko pa dinala yung galon ng tubig dun sa binibilhan namin. Pagkalipas ng isang oras, pinuntahan ko na para iinform sila na putangina yung baboy na binili ko kaninang kanina pa na dapat eh kaninang kanina ko pa din pinapakuluan eh naging double dead na. Taragis na yan.

Willing naman ako maghintay. Pero hindi porket alam nilang maghihintay ako eh paghihintayin na nila talaga ako. Napakamashadow naman nila. Hay.

Yes I’m a drawer. Haha

Yes I’m a drawer. Haha

One time magkasama kami and he asked me kung pwede daw ba magpicture kami gamit yung phone nya. Sabi ko ayoko. Nag-iba yung timpla ng mukha nya. Kaya pumayag na din ako. Ako yung kumukuha kasi gusto kong ako yung unang makakita tapos kapag pangit ako dun sa picture, buburahin ko yun. Nagtaka ako. Bakit wala akong magandang kuha sa bawat picture namen. Oo. Alam ko namang pangit ako pero sabi nila, photogenic naman daw ako. Pero hindi yun ang topic dito. Kanina habang nagbabackread ako sa sarili kong blog (ang narcissist ko lang), nakita ko yung photo set na pinost ko a year ago. At dun ko narealize kung bakit wala akong magandang picture na kasama sya. Nasa mga ngiti ko ang sagot. Alam kong sa bawat paggalaw ng mga muscles sa mukha ko, kasabay nito ang pilit na emosyon na pinapakita ko. Maaari kong dayain ang camera pero hindi ang sarili ko at ang mga taong tumitingin ng aming litrato.  

Kwentong Mocha cake at Tang

Habang inuutik-utik yung mocha cake na binili nya sa tindahan together with the Tang orange juice, bigla na lang ako tinanong ng pinsan kong si Velosity: “Ate Amy, namimiss ka kaya ni *insert his name here*?” Mabilis pa sa alas kwatro at walang pagdadalawang isip ko syang sinagot ng “Oo naman”. Sabihin mo mang napakakapal ng mukha ko para mag-feeling na namimiss nya nga ako pero alam ko sa sarili ko na talagang namimiss nya ako. Hindi man tulad ng dati na araw-araw minu-minuto pero namimiss pa din nya ako. Sabi pa ni Velosity, “Akala ko ba may bagong girl na sya?” Dyan ka nagkakamali iha. Kasi matapos ang lahat lahat ng nangyari, wala pa ulit syang nagiging kasintahan. At dun naman ako hanga sa kanya. Kasi mas napatunayan kong sa aming dalawa, sya yung “mas” nagmahal at nagmamahal. Ngayon ko din napatunayan na isa lang ako sa mga mababaw na kababaihan na nadadala ng mabubulaklak na salita at makalipas ang ilang buwang bolahan at landian eh kinalimutan na yung ilang taong pinagsamahan ng kanyang ex. “Ex” kasi nga iniwan nya, itinapon nya lahat. Tawagin mo na ko sa paraang gusto mo. Malandi? Ayos lang. Ayos lang sa’ken pero sasabihin ko sa’yo, hindi ako proud at never ako magiging proud maging isang malandi. Kahit dagdagan mo pa ng “dakila” yung salita na yun. Pero alam mo kung ano yung kaisa-isang bagay na ikaka-proud ko? Yung napatunayan ko na sa kabila ng pagiging ganito ko, may isang taong patuloy pa ding umaasa at nagmamahal sa’ken. Naniniwala naman ako sa good karma. Alam kong darating yung araw na magiging higit pa sa okay ang estado ng buhay/lovelife nya.

At kung hindi pa nauubos yung mocha cake ni Velosity at maisipan nya kong tanungin kung namimiss ko ba si *insert name here*, ngingitian ko lang sya sabay talikod. Kasi alam kong pag ibinukas ko ang bibig ko at sinagot yung tanong nya, kasabay nun eh ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.

Gusto akong patayin nung mouspad namen. Nilalaslas nya yung pulso ko. :/

Pag sinabi kong “Ok lang”, hindi talaga. Maniwala ka.

"Pag-ibig ko sayo’y parang talaba. Patay na’y nakakapit pa."
hello powhzs sa namamaga kong mga mata. Good morning!

hello powhzs sa namamaga kong mga mata. Good morning!

Nagsasawa na po ako sa buhok kong super haba at nagpapanggap na super straight. Gusto ko magpakulot pero tangina naman sa kapal yung buhok ko.Kawawa naman ako.

"There is a reason God limits our days."
"Why?"
"To make each one precious."
-The Time Keeper (Mitch Albom)

"There is a reason God limits our days."

"Why?"

"To make each one precious."

-The Time Keeper (Mitch Albom)

Samsung GT-S3653W
Ito yung pinakaunang book na natapos ko basahin ngayong taon. Hindi talaga ako mahilig magbasa kasi wala ako pambili ng mga libro. Pero one time, nakita ko yan binabasa nung friend ko tapos naging interested ako sa title. Hiniram ko tapos sinimulan ko na basahin. Nakakailang pahina pa lang ako, parang nawalan na agad ako ng gana. Ang gulo eh, laktaw laktaw ung kwento ng bawat character. So ang ending, binalik ko lang ulit sa kanya. At matapos ang ilang araw at buwan, nakita ko na naman na dala dala nya yan. Parang hinahamon nya talaga ko na pagtyagaan ko syang basahin. Edi hiniram ko na naman. Sinimulan ko ulit syang basahin at natapos ko naman sya nun ding araw na yun. Actually, gabi nung natapos ko talaga. Ginawa ko pampaantok pero nagandahan ako kaya kahit napungay na yung mata ko dahil sa antok, pinilit ko tapusin. Wala ako alam sa mga book review, etc. pero isa lang masasabi ko, maganda yung libro. Basahin mo din pag may time ka. :) 

Ang blog ko ay punong puno ng mga mukha.

Mga mukhang hindi ko inakala..

Hindi ko inakalang makikita ko ulit matapos ang mahabang panahon.Mga mukhang malaki na din ang ipinagbago pero nananatiling totoo. Mga mukhang hindi ko man madalas masilayan, eh hinding hindi ko naman malilimutan kahit kelan.